LOOK: Ilang kalsada sa QC at Manila sasailalim sa road repair
By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 01:40 PM
Sasailalim sa road repair ang ilang kalsada sa Quezon City at Maynila ngayong weekend.
Sa abiso ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang repair ay isasagawa mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga ng Lunes, Apr. 16.
Narito ang mga apektadong kalsada:
Quezon City:
EDSA Southbound
- Ignacio Diaz hanggang P. Tuazon Blvd., 1st lane mula center island
- Eugenio Lopez hanggang Scout Borromeo, inner most lane
EDSA Northbound
- Harap ng Vertis North hanggang Trinoma Mall, 1st lane
- Harap ng FF Cruz hanggang Mapagmahal Street, 1st lane mula sa sidewalk
Iba pang lansangan sa QC:
Southbound
- Visayas Avenue sa harap ng PCOO, inner lane
- Bonifacio Avenue, lagpas ng Del Monte St. patungong Mauban Street.
Northbound:
- Quirino Highway, Lagro paglagpas ng Meter Carmeli, outerlane
- Congressional Avenue mula San Beda Road hanggang Visayas Avenue 2nd lane
Sa Maynila:
- España Blvd. patungong Quiapo sa pagitan ng VG Cruz at A. Lacson.
Inabisuhan ng DPWH ang mga motorista na iwasan ang nabanggit na mga kalsada para hindi maabala.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.