NPC iimbestigahan ang Facebook kaugnay sa isyu ng Cambridge Analytica

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 12:54 PM

Magsasagawa na ng imbestigasyon ang National Privacy Commission sa Facebook matapos ang pag-amin ni Mark Zuckerberg kaugnay sa Cambridge Analytica scandal na maaring nakaapekto sa datos ng mga Pinoy Facebook users.

Sa liham na ipinadala ng NPC sa Facebook, na naka-address kay Zuckerberg, inatasan nito ang Facebook na magsumite ng mga dokumento kaugnay sa kaso.

Kinakailangang ang mga dokumentong isusumite ay makasusuporta o makapagpapakita ng lawak at impact ng insidente sa datos ng mga Pinoy users.

Ipinaalam ng NPC kay Zuckerberg ang gagawing imbestigasyon para matukoy kung nagkaroon ba ng hindi otorisadong pagproseso o pagkuha sa personal data ng mga Pinoy, at iba pang posibleng paglabag sa Data Privacy Act of 2012.

Nilagdaan ni NPC Commissioner Raymund Enriquez Liboro ang liham at nina deputy commissioners Ivy Patdu at Leandro Aguirre.

Partikular na tutukuin sa imbestigasyon ng NPC kung paano naibabahagi ang personal data ng mga Filipino users sa third parties.

Sa pamamagitan nito, matutugunan din ang pagbibigay proteksyon sa milyun-milyong FB users na Pinoy sa ilalim ng data privacy rights.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: cambridge analytica, facebook, National Privacy Commission, cambridge analytica, facebook, National Privacy Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.