Butuan Police Station 5 sinalakay ng 40 myembro ng NPA

By Mark Makalalad April 13, 2018 - 11:57 AM

Matagumpay na naipagtanggol ng mga pulis ng Butuan Police Station 5 sa Brgy. San Mateo, Butuan City, ang kanilang himpilan laban sa 40 terroristang NPA na sumalakay sa kanila.

Ayon kay Police Chief Superintendent Noli Romana, CARAGA Police Director, bandang 9:30 ng umaga kahapon nang salakayin ng NPA ang nasabing police station pero agad na nakamaniubra ang mga pulis dahilan para magkaroon ng palitan ng putukan.

Makaraan ang 20 minuto na bakbakan, tumakas ang mga kalaban nang walang anumang nakuha sa himpilan ng pulis.

Mapalad din na walang pulis na nasugatan sa insidente, habang nagtamo naman ng hindi madeterminang bilang ng casualties ang mga kalaban.

Agad ding nagsagawa ng clearing operations ang reinforcements mula sa Regional Mobile Force Battalion at Butuan City Mobile Force Company pagkatapos ng insidente.

Kinondena naman ng pulisya sa lugar ang walang tigil na panghahasik ng takot at kaguluhan na ginagawa ng mga teroristang NPA.

Hinikayat din nila ang mga mamamayan na agad na ipaalam sa pinaka malapit na police o military unit ang presensya ng mga terrorista sa kanilang lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: CPP, NPA, Radyo Inquirer, CPP, NPA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.