Pilipinas, ika-7 sa sa buong mundo sa may pinakamahabang oras ng pagco-commute
Ika-pito ang Pilipinas sa listahan sa buong mundo ng mga bansang may pinakamahabang oras ng pagco-commute.
Sa report ng traffic and navigation app na Waze, nasa pang-pito ang Pilipinas sa top 20 na listahan ng mga lugar na mayroong mahahabang oras na iginugugol sa pagco-commute.
Sa report ng Waze, ang mga nagco-commute sa Metro Manila ay umuubos ng hindi bababa sa 45.5 minutes.
Narito ang top 20 list na inilabas ng Waze sa mga bansang may mahabang oras ng pagco-commute:
• Villavicencio, Colombia – 192.1 minutes
• Myrtle Beach, SC, USA – 96.9 minutes
• Sarasota, FL, USA – 85.8 minutes
• Golan Heights, Israel – 80.8 minutes
• Negev, Israel – 54.3 minutes
• Denver, CO, USA – 47 minutes
• Manila, Philippines – 45.5 minutes
• Kuala Muda, Malaysia – 44.3 minutes
• Moscow, Russia – 43.1 minutes
• Jakarta, Indonesia – 42.1 minutes
• Montpellier, France – 41.2 minutes
• London, United Kingdom – 41.2 minutes
• Galilee, Israel – 41.1 minutes
• Milan, Italy – 40 minutes
• San Francisco/San Jose, CA, USA – 39.4 minutes
• Jerusalem, Israel – 38.8 minutes
• New York, NY, USA – 38.7 minutes
• Rio de Janeiro, Brazil – 38.4 minutes
• Rome, Italy – 37.7 minutes
• Amsterdam, Netherlands – 37.5 minutes
Noon lamang nakaraang linggo, lumitaw sa ginawang pag-aaral ng Waze na ang Metro Manila ang may pinakamalalang sitwasyon ng traffic sa buong mundo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.