Negosyanteng si George Sycip, kinasuhan ng estafa ng DOJ
Sinampahan na ng kasong estafa ng Department of Justice (DOJ) ang negosyanteng si George Sycip, at ang mga opisyal at mga myembro ng Alliance Select Food International Inc. na isang tuna canning company.
Sa resolusyong nilagdaan ni DOJ Undersecretary Deo Marco, nakitaan nila ng probable cause para sampahan ng estafa sina Alliance board chair na si Sycip, at mga direktor na sina Jonathan Dee, Albin Dee, Joanna Dee-Laurel, Teresita Ladanga, Grace Dogillo at Arak Ratborihan.
Gayunman, ibinasura naman ng DOJ ang kasong falsification of public documents at syndicated estafa sa respondents dahil sa kakulangan ng sapat na batayan.
Inihain ng foreign shareholders ng Alliance ang kaso.
Inakusahan ng complainants ang respondents ng maling paggamit umano sa investments ng kumpanya dahil sa pagkakasangkot umano sa ilegal na aktibidad at transaksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.