PNP aminadong limitado ang jail facilities sa bansa, sisikaping makapagtayo ng mas malawak na mga kulungan

Kulang talaga ang jail facilities sa bansa.

Ito ang pag-amin ng Philippine National Police (PNP) matapos na masawi ang 1 sa 8 inamates na nag-collapse sa Pasay City police detention center dahil sa tindi ng init sa loob ng kulungan.

Ayon kay PNP spokesperson PCSupt. Jhon Bulalacao, ginagawan na nila ng paraan ngayon na masama sa proposed budget ang pagpapatayo ng bagong police station buildings na may malawak na detention faciities.

Mababatid na ayon sa Pasay City police, 60 lang ang kasya sa loob ng nasabing detention facility pero sa ngayon ay umabot na sa halos 160 bilanggo ang nakakulong doon.

Dumami kasi ang bilang ng mga bilanggo dahil sa pinaigting na operasyon nito kontra illegal na droga.

Samantala, nailipat na umano sa BJMP facilities ang ilang inmates na may mga commitment order na upang mabawasan ang laman ng kanilang jail facilities.

Bininilisan na rin aniya ng mga police investigators ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga Korte upang mapadali ang paglalabas ng mga commitment order ng ilang mga detainee.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...