AFP handang magtalaga ng dagdag na tropa sa NCR bilang suporta sa PNP sa seguridad sa eleksyon

By Mark Makalalad April 13, 2018 - 09:57 AM

Inquirer File Photo

Buo ang suporta ng Joint Task Force NCR sa Philippine National Police sa paglalatag ng seguridad sa Metro Manila sa arating na Baranggay at Sangguniang Kabataan elections.

Ayon kay JTF Commander Brig General Allan Arrojado, may plano na sila ng NCRPO at concerned government agencies para sa pagpapatupad ng maayos ng halalan.

Dagdag pa nya, ang NCRPO ang lead agency sa seguridad at kung ilan ang kailangan nilang karagdagang tropa ay ibibigay ng AFP bilang supporting unit.

Kailangan lang aniya na ngayon palang ay sabihin na ng NCRPO kung gaano kalaki ang kailangan nilang augmentation force para makapag-request ang JTF-NCR ng kaukulang bilang ng mga sundalo sa headquarters.

Una nanag sinabi ni NCRPO Director at Incoming PNP Chief Oscar Albayalde na magdedeploy ang NCRPO ng 15,000 pulis sa mga election precincts sa metro Manila sa darating na may 14 baranggay at SK elections.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, checkpoint, comelec, PNP, Radyo Inquirer, AFP, checkpoint, comelec, PNP, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.