Pintuan ng isang tren ng MRT-3 nagkaproblema; 1,000 pasahero, pinababa

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 13, 2018 - 09:42 AM

Matapos ang halos dalawang linggo na walang aberyang naitatala sa biyahe ng MRT-3, pinababa naman ang aabot sa 1,000 mga pasahero ng isa nitong tren Biyernes ng umaga.

Sa abiso ng MRT, nakaranas ng door failure ang isa nilang tren alas 8:01 ng umaga sa bahagi ng Santolan-Annapolis Station southbound.

Dahil dito, kinailangang pababain ang mga pasahero na makalipas naman ang apat na minute ay nakasakay din sa kasunod na tren.

Kadalasang nagkakaproblema ang pintuan ng MRT kapag ito ay nasandalan o ‘di kaya naman ay pinwersang buksan.

Kaugnay nito ay pinayuhan ng MRT-3 ang mga pasahero na huwag sasandalan o pupwersahing buksan ang mga pinto.

Sinabi din ng pamunuan ng MRT na hindi maiiwasan ang pagkakaroon ng unloading incidents at tinitiyak nito sa publiko na tuluy-tuloy ang kanilang maintenance at ginagawa ng kanilang operations team ang lahat upang mabawasan ang mga ganitong uri ng insidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 1000 passengers, door problem, MRT, Radyo Inquirer, technical problem, 1000 passengers, door problem, MRT, Radyo Inquirer, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.