1 sa 5 hinihinalang suspek sa robbery-holdup patay sa shootout sa Maynila; 1 pulis ang sugatan

By Justinne Punsalang April 13, 2018 - 08:46 AM

Contributed Photo

Patay ang isang hinihinalang holdaper habang sugatan naman ang isang pulis matapos magkabarilan sa Estrada St. kanto ng Taal St., Malate, Maynila.

Hindi pa nakikilala ang nasawing lalaki na nakasuot ng kulay asul na T-Shirt, maong na pantalon at sandals.

Nasugatan naman sa nasabing insidente si PO1 John Rupert Agustin.

Sa inisiyal na imbestigasyon sinabi ni Police Chief Insp. Paulito Sabulao, hepe ng Arellano PCP, naglatag ng checkpoint ang mga otoridad sa P. Ocampo St. malapit sa Arellano St. nang umiwas ang limang lalaki na pawang magkaka-angkas sa dalawang motorsiklo.

Hinabol sila ng mga pulis at nang sumapit ng Estrada St. kanto ng Taal St. ay doon na nagkaputukan.

Tinamaan ang isa sa mga suspek habang tumakas ang 5 iba pa.

Sa paghabol ng mga pulis sa mga tumakas na suspek ay doon naman tinamaan ng bala ng baril sa hita si Agustin.

Ayon naman kay Brgy. 752 Chairman Francis Villegas, malamang may kinalaman ang lalaki sa mga insidente ng holdapan at snatching sa kanilang lugar.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: checkpoint, malate, manila, Manila Police District, Radyo Inquirer, robbery holdup suspect, checkpoint, malate, manila, Manila Police District, Radyo Inquirer, robbery holdup suspect

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.