Mambabatas sa Kosovo, naghagis ng teargas sa kasagsagan ng sesyon

By Dona Dominguez-Cargullo October 09, 2015 - 08:02 AM

Kosovo via AFP
AFP Photo

Dalawang miyembro ng parliament sa Kosovo ang nawalan ng malay matapos maghagis ng tear gas ang isa nilang kasamahang mambabatas habang nagsasagawa ng talakayan sa kasunduang nabuo sa pagitan ng gobyerno Kosovo at Serbia.

Karamihan sa mga mambabatas ay suportado ang nasabing kasunduan pero tutol ang oposisyon sa parliament.
Habang nagsasagawa ng pagtalakay at nag-iingay ang mga mambabatas na pabor sa kasunduan, bigla na lamang naghagis ng tear gas ang mambabatas na si Albin Kurti, at sinipa ito sa assembly floor dahilan para mapuno ng usok ang lugar.

Dalawang babaeng parliament member ang agad na nawalan ng malay at isinugod sa ospital.

Ang iba pang mambabatas na nahirapang huminga ay nilapatan ng lunas ng apat na ambulansya sa labas ng parliament.

Ang Kosovo ay nagdeklara ng independence sa Serbia noong taong 2008.

Tinututulan ng mga oposisyon sa parliament ang kasunduan sa pagitan ng Kosovo government at Serbia noong Agosto kung saan ang European Union ang namagitan.

Sa nasabing kasunduan, pumayag ang pamahalaan ng Kosovo na bigyan ng financial at legislative rights sa minority Serb community kabilang ang pagtatayo ng asosasyon ng Serb-run municipalities.

TAGS: Kosovo, Kosovo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.