Sapat ang suplay ng asukal sa bansa ayon sa SRA
Sapat ang suplay ng asukal sa bansa at hindi inaasahan ang anumang shortage.
Ito ang sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) matapos ang kanilang pabusisi sa buffer stock ng asukal.
Ayon kay SRA administrator Hermenegldo Serafica, batay sa datos na nakalap ng ahensya ay maaabot ang target production ng asukal hanggang sa dulo ng milling season.
Wala rin anyang dahilan para mag-import ang Pilipinas ng asukal.
Ito ang pahayag ng SRA matapos kumalat ang mga balitang mag-iimport ng asukal ang bansa.
Noong nakaraang buwan ay ipinag-utos ng SRA ang pagtanggal ng alokasyon ng asukal sa world market para sa domestic consumption.
Inaasaahang mapapabuti nito ang presyo ng asukal sa merkado ngunit magpapakansela sa exportation ng naturang produkto sa labas ng Estados Unidos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.