Isyu ng West Philippine Sea hindi pinag-usapan nina Pres. Duterte at Chinese Pres. Xi Jinping
Hindi inungkat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang bilateral talks ni Chinese President Xi Jinping ang naging pasya ng United Nations sa maritime dispute sa West Philippine Sea.
Ayon kay Duterte, hindi tamang panahon na buksan ang usapan sa UN ruling dahil mas interesado siya sa alok ng China na joint exploration sa pinagtatalunang lugar.
Sinabi ng pangulo na mas gusto niya mag-usap sila ng lider ng China may kaugnayan sa negosyo kaya hindi niya sisirain ang tiwala ng China na ibinigay sa kanya.
Iginiit din nito na ayaw niyang makipag giyera sa China.
“Do you want a massacre?” tanong ng pangulo.
Nauna rito, hinimok ng Estados Unidos at iba pang mga bansa na may interes sa South China Sea na igiit sa China ang pagpapatupad ng UN ruling sa pamamagitan ng paghahain ng diplomatic protest laban dito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.