Lalaki natagpuang patay sa Pasig City

April 13, 2018 - 02:27 AM

Duguan at wala nang buhay nang matagpuan ang katawan ng isang lalaki sa Villa Upeng na sakop ng Barangay Caniogan sa Pasig City.

Kinilala ang biktimang si Roderick Berania, 34 na taong gulang at nagtatrabaho bilang caretaker ng isang tahian sa lugar.

Hinala ng mga residente, pinasok ng magnanakaw ang binabantayang tahian ni Berania. At posibleng nang may maabutang tao ay nakipambuno ang magnanakaw.

Ayon pa sa mga residente, posibleng hinampas ng matigas na bagay sa mukha at ulo si Barania na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa insidente, maging sa tunay na motibo ng pamamaslang at pagkakakilanlan ng salarin.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.