PNP, may dahilan para mag-alinlangang isumite ang records sa war on drugs – Bulalacao

May dahilan ang Philippine National Police (PNP) sa alinlangan na magsumite ng record ng mga napatay sa war on drugs ng administrasyong Duterte.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na bukod sa isyu ng national security, dapat ikunsidera ang kaligtasan ng mga katuwang nila sa anti-drug operation.

Ayon kay Bulalacao, tatalima naman sila sa utos ng Korte Suprema na magsumite ng dokumento ukol sa kampanya kontra droga pero hihiling sila ng extension ng deadline sa pamamagitan ng Solicitor General.

Samantala, sinabi ni Bulalacao na may mga hakbang ang PNP para mawala ang duda na kagagawan umano ng gobyerno ang pagkamatay ng mga drug personalities, isa na rito anya ang pagpapabuti sa olpan tokhang

Hinikayat pa ng PNP official ang mga kinakatok na irecord ang tokhang at makipag-ugnayan sa pulisya para makumpirma na lehitimo ang naturang operasyon.

Read more...