Sa unang pagkakataon, humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa Hong Kong para sa pagkamatay ng walong turista sa pumalpak na hostage taking noong 2010.
Sa kanyang talumpati sa Filipino Community sa Hong Kong, sinabi ng Pangulo na walang formal apology mula sa Pilipinas sa insidente na ikinamatay ng Hong Kong tourists.
“To the Chinese people who are here, from the bottom of my heart, as President of Republic of the Philippines, may I apologize formally to you now. We are sorry the incident happened, as humanly possible, I would like to guarantee this will never happen again. This will go a long way to really assuage the feelings of the Chinese people,” pahayag ni Duterte.
“So it’s only right. Lives were lost under our jurisdiction. What’s really needed is just to say we’re very sorry,” dagdag ng Pangulo.
Nasawi ang walong turista mula Hong Kong matapos i-hostage ng dismissed na pulis na si Rolando Mendoza ang isang bus sa Maynila para makakuha ng atensyon sa kanyang sitwasyon.
Nais ni Mendoza na ma-reinstate siya matapos ang dismissal dahil sa alegasyon ng kurapsyon.
Sa gitna ng hostage negotiation, umatake ang mga pulis pero nagpapuputok si Mendoza na ikinamatay ng mga sakay na dayuhan at kalaunan ay napatay ito ng mga kapwa pulis.
Tumanggi si dating Pangulong Noynoy Aquino na humingi ng apology sa katwirang may mga napatay ding mga Pilipino sa Beijing pero hindi humingi ng paumanhin ang China.
Una nang humingi ng paumnahin si Manila Mayor Joseph Estrada sa Hong Kong government at pumabor ito sa hiling ng pamilya ng mga biktima na public apology danyos, parusa sa mga pulis at hakbang para sa kaligtasan ng mga turista.