Sinira at sinunog ng pinagsanib pwersang Cordillera Administrative Region – Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-CAR) at Kalinga Provincial Police ang P5.08 milyong halaga ng marijuana plants sa Tinglayan, Kalinga.
Ayon sa tagapagsalita ng PDEA-CAR na si Atty. Joseph Frederick Calulut, 23,500 na mga tanim na marijuana ang kanilang nakumpiska mula sa 2,720 square meters na lupa sa Barangay Buscalan.
Habang 1,550 naman na mga tanim ng marijuana at 1,800 marijuana seedlings ang nagmula sa 607 square meters na lupa sa Barangay Bugnay.
Ang naturang operasyon ay ilang araw lamang matapos namang sunugin ng mga otoridad ang P17 milyong halaga ng marijuana na nagmula rin sa Tinglayan, Kalinga.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.