Ngunit nakumpiska naman ang ilang pakete ng sigarilyo, mga cellphone, at patalim sa Cebu City Jail.
Ayon kay Cebu City Jail warden, Superintendent Renante Rubio, nadiskubre na nila ang iba’t ibang paraan ng pagpapasok ng iligal na droga sa kulungan kaya naman wala silang narekober na shabu o marijuana.
Ani Rubio, dati ay ginagamit ng mga bilanggo ang mga menor de edad na bisita para magpasok ng mga kontrabando. Aniya, ginamit rin ng mga bilanggo ang moduus na kung tawagin ay ‘bombing’ kung saan ibinabato lamang sa bakod ng kulungan ang mga kontrabando.
Sa ngayon aniya, ‘fishing’ naman ang ginagawa ng mga nakakulong, kung saan itinatali ang mga pakete ng sigarilyo na silang hinihila ng mga bilanggo papasok mula sa bakod ng kulungan.
Dagdag pa ni Rubio, kaya nakakapagpasok ng iba’t ibang kontrabando ang mga bilanggo at kasamahan nila sa labas ay dahil hindi 24/7 ang pagiikot ng mga jail guard sa perimeter fence.