January Foreign Investments namayagpag ayon sa BSP

By Jan Escosio April 13, 2018 - 01:21 AM

Tumaas ng higit sa kalahati ang foreign direct invesments (FDIs) o ang pamumuhunan ng mga banyaga sa Pilipinas noong nakaraang Enero.

Base sa datos na inilabas ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ang net inflows mula sa dayuhang pamumuhunan ay lumago ng $919 million na mataas ng 56.7 porsiyento kumpara sa naitala noong Enero 2017.

Ayon sa BSP patunay lang ito sa kumpiyansa ng mundo sa itinatakbo ng ekonomiya ng bansa.

Malaking bahagi sa mga puhunan ay nagmula sa Singapore, China, Taiwan, Japan at US.

Inilagay ng mga dayuhan ang kanilang pera sa manufacturing, financial and insurance, real estate, kuryente, gas at wholesale at retail trading.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.