Bigas sa bansa, tatagal na lang ng 50 araw – PSA

By Jan Escosio April 12, 2018 - 09:05 PM

Inquirer file photo

Patuloy ang pagbaba ng suplay ng bigas sa bansa ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

Sa nakalipas na datos ng ahensiya, noong nakaraang buwan, 22 porsiyento o 1.7 milyong metriko tonelada na lang ang suplay ng bigas at mas mababa ito sa naitalang 2.2 milyong metriko tonelada noong Marso 2017. Ngunit ayon sa PSA ito ay sapat o aabot pa ng 50 araw.

Sa isinagawang imbentaryo, 65 porsiyento ng suplay ng bigas ay nasa mga kabahayan, 33 porsiyento sa commercial warehouses at may tatlong porsiyento sa National Food Authority (NFA).

Sa buwanang monitoring, ang bilis nang pagkawala ng bigas ay 89 porsiyento sa NFA, 12 porsiyento sa commercial warehouses at limang porsiyento sa mga kabahayan.

Kumilos na ang NFA para sa makapag-angkat ng 250,000 metriko tonelada ng bigas mula sa Vietnam o Thailand ngunit ang pinakamaagang dating nito ay sa susunod na buwan pa.

TAGS: Bigas, nfa, psa, Bigas, nfa, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.