Nais ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na imbitahan ng gobyerno ang buong mundo sa muling pagbubukas ng Boracay kapag natapos na ang rehabilitasyon ng isla.
Ayon kay Recto, kailangang makuha ang atensyon ng buong mundo sa inaasahang muling pagbubukas ng Boracay sa Oktubre.
Suhestiyon pa nito, dapat ay ipaintindi ng bansa na ang anim na buwang pagsasara ng Boracay ay ‘beauty rest’ at sa muling paggising nito ay mas masigla at mukhang sariwa ang isla.
Giit ng senador, dapat sa promosyon na gagawin ay dadagsa muli ang mga hotel at flight bookings.
Maari din aniyang gamitin ng Department of Tourism (DOT) ang kanilang P1.15 billion advertising budget ngayon taon para sa global promotion ng Boracay. Maari din aniyang samantalahin ang impluwensiya ng social media.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.