Xian Gaza, sumuko na sa pulisya ukol sa kinakaharap na scamming allegations

By Mark Makalalad April 12, 2018 - 06:07 PM

Sumuko na ang viral billboard suitor at businessman na si Christian Albert Gaza o mas kilala sa tawag na Xian Gaza sa Malabon Police.

Ito’y sa gitna na rin ng ‘scamming allegations’ na kanyang kinakaharap dahil sa paglabas ng mga talbog na tseke.

Ayon kay Gaza, sumuko siya dahil pagod na siyang magtago at gusto niya ng magkaroon ng ‘peace of mind.’

Samantala, nanawagan naman si Gaza sa kanyang mga kaibigan at taga-suporta na tulungan syang makapagpundar ng pyansa.

Aabot kasi sa P160,000 ang kakailanganin niya.

Nabatid na una nang naglabas ng dalawang arrest warrant ang magkahiwalay na branches ng Malabon Metropolitan Trial Court laban kay Gaza dahil sa kasong paglabag sa Anti-Bouncing check law.

Si Gaza ay naging kilala dahil sa alok nitong makipag-coffee date sa aktres na si Erich Gonzales sa pamamagitan ng billboard.

TAGS: Anti-Bouncing check law, Malabon police, Xian Gaza, Anti-Bouncing check law, Malabon police, Xian Gaza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.