Laban ng Azkals at North Korea, natapos sa 0-0

By Jen Cruz-Pastrana October 09, 2015 - 04:53 AM

 

Kuha ni Cedelf Tupas/Inquirer

Kapwa hindi nakapuntos ang PHILIPPINE AZKALS at ang kanilang nakalaban sa FIFA World Cup Qualifying match na North Korea .

Naging matindi ang depensa ng Philippine Azkals kontra sa mas eksperiyensadong koponan ng North Korea sa kanilang laban sa Pyongyang na nagresulta sa 0-0 final score.

Muntikan na sanang makapuntos ang NoKor sa matensyong second half ngunit dahil sa matinding pagbabantay ng goalkeeper na si Neil Etheridge, nabigo ang bawat tangka ng mga itong makapasok ng bola sa goal.

Kahit hindi nakapuntos, pabor pa rin sa Azkals ang score na 0-0 upang sila ay pumangalawa sa group H kayat buhay pa ang kanilang pangarap na makapasok sa qualifying competition.

Samantala, ang sunod namang makakalaban ng Azkals ay ang Bahrain sa October 13 para makalahok sa FIFA World Cup 2018 na gaganapin sa Russia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.