“Presumption of regularity” sa pulisya pa rin ang iiral sa drug war – PNP
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na lehitimo ang kanilang kampanya kontra iligal na droga kabaligtaran man ang sabihin ng Korte Suprema.
Ipinahayag ni PNP spokesman Chief Superintendent John Bulalacao na ang kampanya kontra droga ay naaayon sa Saligan Batas, legal at ipinatutupad para sa kaligtasan ng publiko.
Iginiit ni Bulalacao na mangingibabaw pa rin ang “presumption of regularity” sa pulisya maliban na lamang kung mapatutunayan ng korte ang na hindi.
Ayon kay Bulalacao, bagaman ang mga alegasyon ay bahagi ng demokrasya sa bansa, hindi lang dapat ang 4,000 napatay ang bigyang pansin. Dapat din aniyang bigyang pansin ang 1.3 milyong sumuko, at higit 120,000 na inaresto, at ang law enforcers na napatay sa mga operasyon.
Dagdag ni Bulalacao, kung totoo man ang mga alegasyon ng extrajudicial killings, hindi na rin dapat buhay ang mga sumuko at mga inaresto.
Inatasan ng Korte Suprema ang gobyerno, kabilang si PNP chief Director General Ronald Dela Rosa na magsumite ng kanilang mga ulat sa mga napatay sa anti-drug operations sa loob ng 15 araw nang maabisuhan ito.
Gayunman, hihingi muna ng rekomendasyon ang PNP mula sa Office of the Solicitor General (OSG).
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.