Mtatandaang ipinatatawag ng MTRCB ang pamunuan ng ‘It’s Showtime’ upang talakayin ang reklamo ng Gabriela na diumano’y pambubugaw ng palatuntunan sa tinaguriang ‘Pastilas Girl’ na si Angelica Jane Yap.
Paliwanag ng management ng ‘It’s Showtime’, unfair at iresponsable ang reklamo dahil wala namang ibang intensyon ang programa kung hindi ang ibahagi ang karanasan ni Yap sa pag-asang makakitang muli ito ng panibagong pag-ibig.
Giit pa ng programa, hindi nila pinilit si Yap kusang loob itong pumayag na isapubliko ang kanyang karanasan.
Ang ‘Pastillas Girl’ ay ang itinapat na segment ng ‘It’s Showtime’ sa sikat na kalyeserye ng Eat Bulaga ng GMA.