Mabilis naman rumusponde ang mga miyembro ng SWAT ng QCPD, at agad napatay ang isang terorista at maging ang pangalawang terorista na nasa loob ng bus habang nailigtas ang hostage nito.
Ang naturang scenario ay naging bahagi ng anti-terrorism and crisis management drill sa bus terminal na pinangunahan ng PNP at ng QCPD kasama ang lokal na pamahalaan at AFP.
Ayon kay NCRPO chief Dir. Gen. Oscar Albayalde napakaimportante ng ganitong drill para makita ang mga kakulangan ng pnp sa responde sa ganitong sitwasyon lalo na at may banta ng terorismo hindi lamang sa buong mundo maging dito sa Pilipinas.
Sa anti-terrorism drill, ginamit ng PNP ang kanilang remote control EOD Robot na kinuha ang isang bag bago pinasabog.
Sa kabila nito aminado si Albayalde na kailangan pang mag upgrade ng mga gamit ang PNP laban sa banta ng terorismo.
Ayon naman kay QC Mayor Herbert Bautista na malaking bagay ang pagtutulungann ng PNP, AFP at LGU para sa ganitong sitwasyon.
Sinabi naman ni QCPD Dir. Guillermo Eleazar na oobligahin niya ang lahat ng station commander ng QCPD ng magsagawa rin ng anti-terrosim drill bilang paghahanda sa posibleng pag-atake ng mga terorista.
Sa kabuuan naging matagumpay ang anti-terrorism drill ng QCPD.