Pag-usad ng kaso ng mga tiwaling pulis mamadaliin ayon kay Albayalde

By Rohanisa Abbas April 12, 2018 - 12:28 PM

Nangako si incoming Philippine National Police Chief Director Oscar Albayalde na pabibilisin ang mga kaso laban sa mga pulis bilang bahagi ng paglilinis ng kanilang hanay.

Nang tanungin kung mas marami pang pulis ang sisibakin sa serbisyo, sinabi ni Albayalde na magdedepende ito sa mga kaso.

Nilinaw niya na hindi naman lahat ng pulis na nahaharap sa kaso ay madi-dismiss. Kinakailangan aniya na mabigyan din ng due process ang mga pulis.

Ayon kay Albayalde, bilang hepe ng National Capital Region Police Office, sinibak niya na ang 279 police officers, dinemote ang 99, sinuspinde ang 825 at itinalaga sa labas ng NCR ang 365 iba pa simula July 1 ng nakalipas ng taon.

Ipinahayag ni Albayalde na pagtutuunan niya ng pansin ang pagdidisiplina at pagkakaroon ng accountability ang PNP sa ilalim ng kanyang pamumuno.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: NCRPO, Oscar Albayalde, PNP, NCRPO, Oscar Albayalde, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.