Matapos mapanatili ang mataas na net satisfaction rating ni Pang. Duterte; Malakanyang nangakong magdodoble kayod pa

Magdodoble kayod pa ang Pamahalaan para makamit ng mamamayan ang inclusive growth.

Ginawa ng palasyo ang pahayag kasunod ng resulta ng pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasaad na napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very good” net satisfaction rating nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, masaya ang palasyo sa resulta ng panibagong survey.

Tiniyak din nito sa taumbayan na ang administrasyong Duterte ay magtratabaho ng “double time” para maibigay ang inclusive growth na dapat ay tinatamasa ng bawat Filipino.

sa nasabing survey, nakakuha ang pangulo ng +56 sa kaniyang net satisfaction rating.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...