Resulta ng Bar Exams ilalabas na ng SC sa Apr. 26

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 11:35 AM

Ilalabas na ng Korte Suprema sa April 26, 2018 araw ng Huwebes ang resulta ng 2017 Bar Examinations.

Gagawin ang paglalabas ng resulta matapos ang special en banc session ng mga mahistrado para talakayin at pagdesisyunan ang resulta.

Sa sandaling matukoy na ang passing rate, ilalabas ang pangalan ng mga nakapasa sa screen na ilalagay sa harapan ng Korte Suprema sa Padre Faura.

Ilalagay din ang resulta sa website ng Korte Suprema sa sandaling maianunsyo na ni Justice Lucas Bersamin ang resulta.

Aabot sa 7,227 ang napayagan na kumuha ng pagsusulit noong magkakasunod na linggo ng Nobyembre pero sa unang araw ng exams, 6,759 lamang ang dumating habang 6,750 naman ang nakakumpleto.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 2017 bar examinations, bar exams result, Radyo Inquirer, 2017 bar examinations, bar exams result, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.