Pulis sugatan sa pananambang sa Batangas, dalawang sibilbyan pa ang nadamay

By Rohanisa Abbas April 12, 2018 - 11:21 AM

Sugatan ang isang intelligence police officer at dalawang sibilyan sa pananambang sa harap mismo ng Batangas City police station dakong alas-7:00 Miyerkules ng gabi.

Naglalakad lamang sina PO2 Bernie Closa at Manuelito Marasigan na nagsisilbing “striker” sa police station nang pagbabarilin sila ng suspek na sakay ng motorsiklo.

Ayon kay Senior Inspector Hazel Luma-ang, tagapagsalita ng Batangas provincial police, tinamaan si Closa sa dibdib at agad na itinakbo sa ospital.

Tinamaan naman ng ligaw na bala si Arjhay Garcia na nakatambay lamang sa lugar.

Ayon kay Luma-ang, naka-leave si Closa at nakatakdang ikasal ngayong buwan, ngunit pinag-report siya ng bagong hepe ng pulisya ng Batangas.

SInabi ni Luma-ang na naniniwala sila na may kinalaman sa trabaho ni Closa ang motibo. Ilan sa mga kasong hawak ng biktimang pulis ay may kaugnayan sa droga.

Nagsagawa na ng folow-up operations ang pulisya para tugisin ang suspek.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: ambush incident, Batangas, ambush incident, Batangas

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.