2 pang miyembro ng “Barrios Kidnapping Group”, patuloy na tinutugis ng PNP

By Mark Makalalad April 12, 2018 - 11:05 AM

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

Dalawa pang miyembro ng Barrios Kidnapping Group ang pinaghahanap ng Anti-Kidnapping Group ng Philippine National Police.

Ayon kay Sr. Supt. Glenn Dumlao, Director ng AKG, patuloy ang kanilang manhunt operation kina Camille Luisiges at Boyet Arguelles.

Inaalam din nila ang mga lugar kung saan posible silang magtago.

Si Camille ang girlfriend ni Ricky Barrios na lider ng grupo at nakakulong ngayon sa Lucena Police.

Habang si Boyet Arguelles naman ang ama ng dating live-in partner ni Ricky at kamag-anak ng dinukot na si Rolando Arguelles.

Una nang naaresto ng AKG ang 3 pang myembro ng KFR na sina SPO2 Leo Pamonag, na siyang nag-supply sa mga napatay na kidnapper ng mga armas, granada, bala at uniporme ng pulis na ginamit ng grupo sa pagdukot sa isa ring HVT na si Ronaldo Arguelles

Kasama rin sa naaresto sina Glenn Tangcinco, driver ng grupo at Lalaine Barrios na kapatid naman ni Ricky Barrios.

Nitong Martes, matatandaan na isang lady cop na si PO1 Sarah Andal ang napaslang sa rescue operations ng mga operatiba ng PNP-AKG kamakalawa na ikinasawi rin ng limang kidnappers sa shootout sa Maharlika Highway, Brgy. San Nicolas, San Pablo City, Laguna.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Barrios Kidnapping Group, pnp akg, San Pablo Laguna, Barrios Kidnapping Group, pnp akg, San Pablo Laguna

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.