7 arestado kabilang ang 3 Chinese national, sa sinalakay na shabu lab sa Batangas

By Mark Makalalad April 12, 2018 - 10:42 AM

Arestado ang tatlong Chinese national at apat na Pinoy sa pagsisilbi ng search warrant ng mga otoridad sa Hingoso Farms Brgy. Sto Nino, Ibaan, Batangas.

Nilusob ang farm na sinasabing shabu laboratory ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng Ibaan Municipal Police Station.

Ayon kay Derrick Carreon, tagapagsalita ng PDEA, tatlong linggo pa lang na nag-ooperate ang laboratory at kaya nitong gumawa ng 25 kilo ng shabu sa isang araw bukod pa sa ecstacy.

Nagresulta ang nasabing operasyon sa recovery ng controlled precursor, essential chemical warehouse at clandestine shabu laboratory.

Nagsimula ang ang pagsalakay sa nabanggit na lugar alas-5:30 ng umaga ng Huwebes.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Ibaan Batangas, Radyo Inquirer, shabu laboratory, Ibaan Batangas, Radyo Inquirer, shabu laboratory

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.