Mga pulis na nasugtan sa engkwentro sa San Pablo, at nadamay na sibilyan, nasa ligtas nang kondisyon

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 10:06 AM

Photo Credit: Police Senior Inspector Johny Boy Itcay

Nasa ‘stable condition’ na ang mga pulis at bystander na nasugatan sa engkwentro noong Martes sa mga kidnap for ransom group sa San Pablo, Laguna.

Ayon kay Senior Supt. John Kraft, Provincial Director ng Laguna Police, nasa maayos nang kondisyon at maari ng makalabas anumang oras si PO1 Jeffrey Araneia Orlanes.

Maayos na rin ang kondisyon ni PO1 January De Ramos Mendoza bagaman under observation ito at patuloy pang nagpapagaling.

Habang si PO1 Junjun Abala Villaflor naman ay nakatakdang operahan sa ulo base sa rekomendasyon ng doktor na nangagalaga dito.

Delikado kasi ang tama sa kanya kung kaya’t mahaba-haba pang gamutan ang aabutin.

At ang bystander na si Sebastian Manalo na may tama ng bala sa hita ay bumuti na rin ang kalagayan at naisalalim na sa medical operation.

Samantala, ang high-value target naman ng PNP at ang dinakip ng mga kidnapper na si Ronaldo Arguelles ay nasa Intensive Care Unit (ICU) pa rin.

Sa ngayon, nananatili sa San Pablo Medical Hospital ang mga biktima.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, San Pablo Laguna encounter, Radyo Inquirer, San Pablo Laguna encounter

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.