Pangulong Duterte at partner na si Honeylet Avanceña nakipag-hapunan sa mga kaibigan nila sa Hong Kong

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 09:59 AM

Presidential Photo

Nakipagsalu-salo sina Pangulong Rodrigo Duterte at partner niyang si Honeylet Avanceña sa isang hapunan kasama ang kanilang mga kaibigan sa Hong Kong.

Sa mga larawan na inilabas ng Malakanyang, present din sa dinner sa Harbour view sa Hong Kong sina Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go, Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Nagpakuha din ng larawan ang pangulo sa mga guest sa nasabing dinner na ayon inilarawan ng Palasyo na pawang “old friends” ni Duterte at Avanceña.

Walang naging schedule ng official engagement ang pangulo sa Hong Kong kahapon dahil ngayong araw pa ang pakikipag-usap niya sa mga OFWs doon.

Sa Biyernes ng umaga inaasahang babalik ng bansa ang pangulo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: dinner, honeylet avancena, Hong Kong, Rodrigo Duterte, dinner, honeylet avancena, Hong Kong, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.