Dating Health Sec. Paulyn Ubial, gustong maging state witness sa Dengvaxia controversy
Nais ni dating Health Sec. Paulyn Ubial na maging testigo siya sa mga kaso kaugnay sa anti-dengue vaccine program ng pamahalaan gamit ang Dengvaxia vaccine.
Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Public Attorney’s Office chief Persida Rueda Acosta na ito ang dahilan kaya sa mga isinampa na nilang mga kaso kaugnay sa isyu ay hindi kasama sa kinasuhan si Ubial.
Hindi rin nila isinama sa mga kinasuhan si dating Health Sec. Enrique Ona dahil wala naman siyang kinalaman sa kontrata.
Kuntento naman ang PAO sa nilalaman ng draft report ng Senate Blue Ribbon Committee ni Senator Richard Gordon.
Ayon kay Acosta, naging tumugma ang kanilang resulta ng patuloy nilang imbestigasyon sa nilalaman ng report ng komite na nag-imbestiga sa isyu.
Maging ang mga pamilya na namatayan ng batang naturukan ng bakuna ay masaya aniya sa committee report.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.