Dalawa pang panibagong kaso ng mga batang naturukan ng Dengvaxia, nagkasakit at nasawi, sasailalim sa otopsiya ng PAO

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 09:09 AM

Patuloy na nadaragdanan ang bilang ng mga batang hinihinalang nasawi nang dahil sa anti-dengue vaccine na Dengvaxia.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Public Attorneys’ Office Chief Persida Rueda-Acosta, mahigit 100 na ang batang nasawi na naturukan ng Dengvaxia.

Sa nasabing bilang, 44 pa ang ang naisailalim ng PAO sa autopsy dahil ang ibang magulang ay ayaw nang ipagalaw ang katawan ng nasawi nilang anak, habang ang iba ay nag-migrate na lamang matapos mamatayan ng anak.

Ayon kay Acosta, ngayong araw sasailalim sa pagsusuri ng PAO ang ika-45 kaso ng batang nabakunahan ng Dengvaxia, nagkasakit at pagkatapos ay nasawi.

Habang isa pang batang nasawi mula sa Cebu ang nakatakda ring isailalim sa otopsiya na ika-46 na kasong mahahawakan ng PAO.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Dengvaxia, PAO, Persida Acosta, Dengvaxia, PAO, Persida Acosta

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.