3 ballistic missiles mula Yemen, naharang ng air defense forces ng Saudi Arabia

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 07:18 AM

Naharang ng air defense forces ng Saudi Arabia ang tatlong ballistic missiles na pinakawalan mula sa Yemen at target sana ang defense ministry sa Riyadh at ang Saudi Aramco distribution facility sa Najran.

Ang tatlong rocket ay naharang sa capital at sa southern cities na Jizan at Najran.

Ito na ang ikaapat na pag-atake sa loob ng limang buwan kung saan tinatarget ng missiles ang Riyadh mula sa Iran-aligned group na Houthis sa Yemen.

Matapos maharang ang tatlong magkakasunod na missile, napabagsak din ng Saudi Forces ang dalawang drone ng Houthi.

Noon lamang nakaraang buwan, isang lalaki ang nasawi sa Riyadh matapos mahulugan ng debris nang pabagsakin ng militar mga missile mula Yemen.

 

 

 

 

 

 

TAGS: ballistic missile, Houthi, Riyadh, saudi arabia, Yemen, ballistic missile, Houthi, Riyadh, saudi arabia, Yemen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.