Planong muling buhayin ang BNPP, dapat iabandona ng gobyerno – Bishop Santos
‘Put it to eternal rest’.
Ito ang apela ni Balanga Bishop Ruperto Santos sa plano ng gobyerno na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.
Nagpahayag ng kanyang komento ang Obispo matapos isilarawan ni Russian Ambasaddor to the Philippines na ang naturang nuclear power plant na ‘beyond revival’ at mayroon nang outdated o napag-iiwanang teknolohiya.
Ani Santos, isa lamang itong patunay upang ihinto na ng gobyeno ang diskusyon sa muling pagbuhay rito.
“Let us stop discussing about the rehabilitation of BNPP. Let the issue of its revival be put to eternal rest,” ani Santos.
Ayon sa Obispo, ang assessment ni Igor Khovaev ay nagpatibay lamang lalo sa kanilang posisyon tungkol sa BNPP na hindi ligtas at isang produkto ng katiwalian at korapsyon.
Dagdag pa niya, ang BNPP ay pagwaldas lamang sa pera ng bayan at hindi kailanman magiging kapaki-pakinabang sa bansa.
Ang rehabilitasyon nito ay magagamit lang umano sa korapsyon.
“BNPP is a waste of money, and never will it benefit our country. To call for its rehabilitation will only be used for money and means for corruption,” ani Santos.
Nagkakahalaga ang Bataan Nuclear Power Plant ng lampas 2 bilyong piso na binuo sa ilalim ng administrasyon ng dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Gayunman, hindi kailaman nag-operate ang pasilidad bunsod ng alegasyon ng korapsyon at hindi umano pagiging ligtas nito dahil malapit ito sa fault line.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.