Pasahero nga taxi sugatan sa aksidente sa Pasay

Contributed Photo

Kasalukuyan nang nasa ospital ang isang babaeng pasahero, matapos sumalpok ang sinasakyang taxi sa mga concrete barrier sa kahabaan ng EDSA bago pa ito mabangga ng isang truck sa Pasay City.

Ayon sa driver ng taxi na mayroong plaka na WIN 273 na si Allan Flores, paakyat na sila ng flyover nang hindi mapansin na mayroon palang mga harang kaya bumangga ito.

Hindi na rin nakapagpreno ang kasunod na dump truck, kaya naman nabundol nito ang taxi.

Maswerteng hindi nasugatan si Flores, maging ang driver ng truck na si Clark dela Cruz.

Dahil sa aksidente ay nawasak ang bumper at passenger side ng taxi.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad tungkol sa nangyaring aksidente.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...