5 lalaki kabilang ang 2 menor de edad arestado sa Makati matapos maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 06:45 AM

Inquirer file photo

Limang lalaki kabilang ang dalawang menor de edad ang naaresto makaraang maaktuhang gumagamit ng ilegal na droga sa isang bahay sa Makati City.

Ikinasa ng Makati City Police Community Precinct 10 ang operasyon sa isang bahay sa Barangay Rizal matapos makatanggap ng reklamo hinggil sa pagsusugal sa isang kalye doon.

Ayon kay Senior Insp. Valmark Funelas, apat na lalaki ang naaktuhan nilang gumagamit ng ilegal na droga kabilang ang 2 binatilyo na na kapwa 17-anyos.

Nang pasukin pa ang bahay, nakita ang isang lalaki na nagtatarya ng marijuana at shabu.

Nakuha mula sa limang suspek ang 4 na sachet na hinihinalang marijuana at 3 sachet ng shabu.

Itinanggi naman ng limang naaresto na gumagamit sila ng ilegal na droga nang sila ay datna ng mga pulis.

Anila, magkakasama lang silang naglalaro ng mobile game. Hindi naman nahuli ang may-ari ng bahay.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: 5 arrested in makati, Illegal Drugs, Radyo Inquirer, 5 arrested in makati, Illegal Drugs, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.