Bahagi ng Makati, QC, Maynila at Pasay mawawalan ng suplay ng tubig ngayong araw

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 06:27 AM

May nakatakdang water service interruption ngayong araw ang Manila Water sa ilang sineserbisyuhan nitong lugar sa Makati, Quezon City, Maynila at Pasay.

Sa abiso ng Manila Water, mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas, mawawalan ng suplay ng tubig ang bahagi ng Brgy. Pio Del Pilar dahil sa kanilang line maintenance sa Dela Rosa St. kanto ng Pasong Tamo.

Sa Quezon City naman, alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 5:00 ng umaga bukas ang water interruption sa bahagi ng East Kamias, West Kamias, Pinyahan, Quirino 2A, Quirino 2C at Malaya.

Habang sa Maynila, apektado ng water interruption mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 6:00 ng umaga bukas ang mga Barangay sa San Andres, kabilang ang Brgys. 771, 772, 773, 774 at 775.

Samantala sa hiwalay na abiso, may isasagawa ding maintenance activities ngayong araw ang Maynilad sa Pasay City at Quezon City.

Magreresulta ito sa pagkawala ng suplay ng tubig mula alas 11:00 ng gabi mamaya hanggang ala 1:00 ng madaling bukas sa Arnaiz Avenue, Aurora Street, Protacio Street, Tramo Street, at Sta. Clara sa Pasay City.

Sa Quezon City naman, mwawalan ng suplay ng tubig ang Queensland Subdivision at ang Brgy. Nagkaisang Nayon mula alas 10:00 ng gabi hanggang alas 2:00 ng madaling araw bukas.

Alas 10:00 ng gabi naman hanggang alas 4:00 ng umaga bukas ang water interruption sa bahagi ng Brgy. Sauyo.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: manila, manila water, maynilad, Pasay, quezon city, Radyo Inquirer, manila, manila water, maynilad, Pasay, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.