At dahil sa mainit at maalinsangang panahon, maari pa ring makaranas ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorm.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Gener Quitlong, ang mga pag-ulang dulot ng thunderstorms ay malakas subalit saglit lamang o hindi tuluy-tuloy.
Pero maari pa rin itong makapagdulot ng pagbaha.
Sa ngayon tanging easterlies ang nakaaapekto sa buong bansa at walang anomang sama ng panahon na binabantayan sa loob at labas ng PAR.
Kahapon, umabot sa 33.1 degrees celsius ang maximum temperature na naitala ng pagasa sa metro manila dakong ala 1:50 ng hapon.
MOST READ
LATEST STORIES