Pag-ulan dulot ng thunderstorms mararanasan sa bansa sa hapon o gabi

By Donabelle Dominguez-Cargullo April 12, 2018 - 06:25 AM

Makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ngayong araw ang buong bansa.

At dahil sa mainit at maalinsangang panahon, maari pa ring makaranas ng pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa thunderstorm.

Ayon kay PAGASA Weather Specialist Gener Quitlong, ang mga pag-ulang dulot ng thunderstorms ay malakas subalit saglit lamang o hindi tuluy-tuloy.

Pero maari pa rin itong makapagdulot ng pagbaha.

Sa ngayon tanging easterlies ang nakaaapekto sa buong bansa at walang anomang sama ng panahon na binabantayan sa loob at labas ng PAR.

Kahapon, umabot sa 33.1 degrees celsius ang maximum temperature na naitala ng pagasa sa metro manila dakong ala 1:50 ng hapon.

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Radyo Inquirer, thunderstorm, weather, Pagasa, Radyo Inquirer, thunderstorm, weather

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.