Paghahain ng COC para sa Barangay at SK Elections, magsisimula na sa April 14

By Rhommel Balasbas April 12, 2018 - 04:17 AM

Simula April 14, araw ng Sabado ay maaari nang maghain ng kanilang Certificate of Candidacy (COC) ang mga nagnanais tumakbo para sa May 14, 2018 Barangay and SK elections.

Ito rin ang araw ng pagsisimula ng election period.

Ayon sa Commission on Elections (COMELEC), nakatakda ang filing ng COC hanggang April 20, araw ng Biyernes.

Ilan sa mga kwalipikasyon na dapat taglayin ng mga kandidato sa Barangay at SK elections ay ang mga sumusunod:

  • Filipino citizensip
  • Pagiging residente ng barangay sa loob ng isang taon bago ang araw ng eleksyon
  • Kakayahang magbasa at magsulat sa Filipino, Ingles at lokal na wika
  • Para sa SK dapat ang edad ay 18-24 anyos sa araw ng halalan
  • Walang kaugnayan sa dugo o kasal hanggang sa second civil degree sa mga nakaupong opisyal alinsunod sa probisyon ng anti-dynasty law;
  • at may good moral character

Sakaling aprubahan ng COMELEC ang proposal ng Department of the Interior and Local Government ay kinakailangan ding magsumite ng mga kandidado ng kanilang resume.

Isasapubliko ang mga resume upang bigyang pagkakataon ang mga botante na makilala ang kanilang mga ibobotong kandidato.

Kumpyansa naman ang DILG at COMELEC na matutuloy ang eleksyon bunsod ng kakulangan ng oras ng Senado na na ipagpaliban pa ito.

TAGS: Barangay at SK Elections, Certificate of Candidacy, comelec, Barangay at SK Elections, Certificate of Candidacy, comelec

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.