Isang residential area sa Quezon City nasunog

By Justinne Punsalang April 12, 2018 - 04:13 AM

Tinupok ng apoy ang tatlong mga bahay sa loob ng isang compound sa Barangay Roxas District, Quezon City.

Umabot lamang sa unang alarma ang sunog na agad na narespundehan ng Quezon City Bureau of Fire Protection (BFP).

Alas-3:04 ng madaling araw nang tuluyang maapula ang pagliliyab.

Kwento ng may-ari ng isa sa mga nasunog na bahay na si Benjamin Balayan, bigla na lamang siyang nagising at nakita na nasusunog na ang bubong ng kanilang katabing bahay.

Hinala ng mga residente na pawang magkakamag-anak, pumalyang electrical circuit ang dahilan ng sunog. Anila, may kalumaan na rin ang mga bahay.

Ayon naman sa QC BFP, bagaman patuloy pa ang imbestigasyon tungkol sa pinagmulan ng apoy ay posibleng sumiklab ito dahil sa iligal na electrical connection mula sa kusina.

Inaalam pa ng mga otoridad ang kabuuang pinsala dahil sa naturang sunog.

TAGS: quezon city, residential area, sunog, quezon city, residential area, sunog

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.