Castriciones, itinalaga ni Pangulong Duterte bilang kalihim ng DAR

By Rhommel Balasbas April 12, 2018 - 03:41 AM

Matapos ang apat na buwan ng pagiging acting secretary ay itinalaga na ni Pangulong Rodrigo Duterte si John Castriciones bilang ad interim secretary ng Department of Agrarian Reform (DAR).

Matatandaang pinangalanan si Castriciones bilang acting secretary ng kagawaran matapos ibasura ng Commission on Appointments (CA) ang pagkakatalaga kay Rafael Mariano bilang kalihim noong September 2017.

Ang appointment papers ni Castriciones ay nilagdaan ng pangulo noon pang March 22 ngunit ang kopya ay naibigay lamang sa mga reporters ng Palasyo kahapon.

Ad interim ang appointment kay Castriciones dahil kasalukuyang naka-recess ang Kongreso ngayon.

Bago pa maitalaga sa pwesto sa gobyerno ay nanilbihan si Castriciones bilang national president ng Mayor Rodrigo Roa Duterte National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), ang grupong sumuporta kay Duterte sa 2016 presidential elections.

TAGS: Department of Agrarian Reform, John Castriciones, Department of Agrarian Reform, John Castriciones

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.