Tila nagpapatuloy ang mas gumagandang serbisyo ng Metro Rail Transit (MRT) 3.
Ito ay matapos makapagdeploy muli ng 17 train kagabi ang linya ng tren base sa post ng Department of Transportation – MRT 3 sa Twitter.
Ayon sa post, alas-9 ng gabi ng makapagpatakbo ng 17 tren.
Nagdulot ito ng 5-6 mins na interval o waiting time para sa mga pasahero.
Nauna nang nakapagdeploy ng 17 running trains ang MRT noong Martes, April 17 matapos ito huling magawa noong November 16, 2017.
Matatandang ipinangako ng MRT 3 na maiaakyat sa 20 ang kanilang running trains bago matapos ang taon.
MOST READ
LATEST STORIES