100 patay sa pagbagsak ng Algerian military plane

By Justinne Punsalang April 12, 2018 - 03:26 AM

Kalilipad pa lamang ng isang Algerian military plane nang ito ay agad na bumulusok pababa sa isang sakahan sa hilagang bahagi ng Algeria.

Sa isang pahayag ng Algerian Civil Defence ay sinabi na hindi pa batid ang dahilan ng pagbagsak ng nasabing military plane.

Ayon sa tagapagsalita ng Algerian Civil Defence na si Mohammed Achour, tinatayang nasa 100 katao ang namatay dahil sa plane crash ngunit hindi pa nila tiyak ang eksaktong bilang sa ngayon.

Aniya, puro sundalo ang sakay ng IL-76 military transport plane na bumagsak sa isang sakahan na maswerteng walang mga residente.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang mga otoridad upang malaman ang sanhi ng pagbagsak at kasabay nito ang isinasagawang search and rescue para sa mga sakay ng eroplano.

TAGS: Algeria, military plane crash, Algeria, military plane crash

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.