Report ng Senate Blue Ribbon Committee sa Dengvaxia controversy tanggap ni ex-DOH Sec. Garin

By Len Montaño April 12, 2018 - 12:17 AM

Welcome kay dating Health Secretary Janette Garin ang report ng Senate Blue Ribbon Committee kung saan inirekomendang kasuhan siya at sina dating Pangulong Noynoy Aquino at dating Budget Secretary Butch Abad kaugnay ng Dengvaxia controversy.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Garin na inaasahan na niya ang report ng komite ni Senador Richard Gordon at pagkakataon ito para makadepensa ang mga totoong eksperto sa isyu.

Ayon kay Garin, hindi sila nabigyan ng patas na pagkakataon sa imbestigasyon ng Senado. Kung investigation in aid of legislation anya ang ginawa ng komite ni Gardon, dapat ay tiningnan ang kaugnayan ng isyu sa umiiral na batas at dapat na ipinakita muna ito sa mga miyembrong senador bago isinapubliko.

Dagdag ng dating kalihim, dahil sa hysteria at panic sa Dengvaxia, apektado ang immunization program ng gobyerno kung saan nagkakaroon ng measles outbreak at ang publiko ay takot na sa iba pang bakuna.

Kung may mali anya ang Sanofi Pasteur ay dapat itong papanagutin pero dapat munang hintayin ang report na ilalabas ng WHO. Una na anyang sinabi ng naturang international agency na walang direktang koneksyon ang Dengvaxia sa pagkamatay ng mga bata at wala pang namatay dahil sa nasabing bakuna.

Buong tapang naman na sinabi ni Garin na handa siyang makasuhan dahil wala anyang mali sa pagbakuna sa mga kabataang Pilipino gamit ang Dengvaxia.

TAGS: dating Health secretary Janette Garin, Dengvaxia, dating Health secretary Janette Garin, Dengvaxia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.