Imbestigasyon sa Dengvaxia ng Senado tinawag na “Dick Gordon Show” ni ex-PNoy

By Len Montaño April 11, 2018 - 11:59 PM

Tinawag ni dating Pangulong Noynoy Aquino na “Dick Gordon Show” ang nangyaring imbestigasyon ng Senado tungkol sa Dengvaxia controversy.

Reaksyon ito ni Aquino sa draft report ng Senate Blue Ribbon Committee na nagrekomendang kasuhan siya at sina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Butch Abad.

Iginiit ni Aquino na nang magdesisyon ang kanyang administrasyon na bumili ng Dengvaxia, hindi nila alam ang masamang epekto nito na ipinaalam lamang ng Sanofi noong November 2017.

Taong 2016 pa anya nailaan ang pondo pambili ng bakuna o isang taon bago nagbanta ang Sanofi sa potensyal na epekto nito sa mga naturukan.

Muli namang itinanggi ni Aquino ang resulta ng imbestigasyon ng Senado na minadali ang pag-apruba sa pondong pinambili ng Dengvaxia.

TAGS: Dengvaxia, ex-President Noynoy Aquino, Dengvaxia, ex-President Noynoy Aquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.