Duterte napanatili ang “very good” net satisfaction rating ayon sa SWS survey

Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang “very good” net satisfaction rating sa kabila ng pagbagsak nito ng dalawang puntos ayon sa pinakahuling survey na ginawa ng Social Weather Station (SWS).

Ayon sa survey, seventy percent ng mga adult Pinoys ang “satisfied” sa performance ng pangulo at ito ay mas mababa ng isang puntos mula sa December 2017 gross satisfaction rating na 71 percent.

Katumbas ito ng ng +56 net satisfaction rating na bahagyang mababa kumpara sa +58 na December rating.

Umaabot naman sa 14-percent ng mga Pinoy ang dissatisfied na mas mataas ng isang puntos mula sa December survey na 17-percent para sa undecided.

Ang satisfaction rating ng pangulo sa Mindanao ay tumaas ng dalawang puntos o +82 percent mula sa dating +80 na may katumbas na “excellent”.

Napanatili naman ni Duterte ang “very good” rating para sa Metro Manila na mayroong +54 percent, Balance of Luzon na may +39 at +65 naman para sa Visayas.

Para sa Clas A, B at C, napanatili rin ng pangulo ang “very good” rating sa pamamagitan ng +63 bagaman bumagsak ito ng tatlong puntos mula sa dating +66 noong Disyembre.

Para sa Class C o yung tinatawag na masa, napanatili rin ng pangulo ang “very good” rating.

Ang satisfaction rating ng panulo para sa Class E ay bumaba sa “good” mula sa dating “very good” o katumbas ng +48 mula sa dating +65.

Ang nasabing survey ay ginawa nationawide gamit ang 1,200 respondents noong March 23 hanggang 27 gamit ang margin of error na plus/minus 3-percent.

Read more...